Friday, March 21, 2008

Penitensiya

*This trip was planned 18 hours before the actual event. i think :)
*Went with JC Batan, my co-photojournalist at APP
*We dont have any clues on where Cutud, Pampanga is
*We left Makati around 1am of March 21, 2008 and arrived 3am which was too early @_@
we didnt expect to arrive that early because we alloted time for eating, resting and the time for getting lost
*It was our first time to cover Penitensiya


these are outcome for arriving too early at Cutud, Pampanga



These men walk the streets of San Fernando, Pampanga while Flagilating. "Surprise attack na naman" these are the words of Me and JC as these men walk right past us without us knowing that they are already nearby. Our cameras, lenses, bags, shoes, shirts, pants and even our faces got sprayed with blood. it was nauseating at first because its not normal being sprayed blood at you right? but after a few minutes, i felt fine getting sprayed by blood because its part of the job. :)
*first location: Streets of Cutud




These men re-enacted the crucifixion of Jesus Christ at San Luis, Pampanga. This is not the main event, its just a play being done in the neighboring city of Cutud :) it was hard to shoot at this time because of the large foreigners [bahu pa nila] pushing you out of your place. stupid errr.
*2nd Location: San Luis, Pampanga




This is the much awaited event happening at Cutud, Pampanga. it was scorching hot at the place where me, jc and akira were. People watching were actually nice to us because the were letting us pass in front of them so we could take pictures. i dont know if they really wanted us to pass or just because the saw our press ids that they let us pass. heheh. well anyways, our placement was not that bad or not that good. not that bad because we were quite near where the crucifixion will be happening and not good because there was a fence in front of us which limited us to shoot with a very low aperture settings [gibberish-gibberish].
*3rd location: Cutud, Pampanga


PHOTOJOURNALISTS

Sir Luis Liwanag

John Javellana

Akira Liwanag
Sir Bulit Marquez

JC Batan
Ako. Ricardo Villaruel

*hay grabe.. sorry kng may mga mali sa grammar :)) nosebleed @_@

Saturday, March 15, 2008

Team Liwanag

*kulang sa litrato ay sina Jowell Mariano, Edwin Chiong II at si JC Batan

Team Liwanag

Team Liwanag. Sa unang pagkakarinig sa amin ay mapapatanong agad sa isip ng mga tao kng ano ba ito? sino ba sila? ano ang ginagawa nila? Siguro sa pagkakagawa ng blog na ito ay malilinawan ko sana ng kaunti ang inyong mga katanungan ukol sa aming grupo :D


*Photo: Umpisa ng Liwanag

Kelan kami nagsimula?
Kung maaalala ko pa, noong Ika-22 ng Pebrero taong 2008 [Feb 22, 2008] nabuo ang aming grupo. Sa Lucban, Quezon ko naisipan na gumawa ng isang grupo ng mga Litratista [Photographers] na kung saan ay iba-iba ang mga galing sa larangan ng potograpiya. Siguro ang mga tulad nito ay ang Studio, Portraits, Street, Concept at iba pang aspeto. Anim pa lamang kami nung unang nagsimula kami pero nang tumagal ay nagdagdag kami hanggang naging sampu na kami.

Sino sino ba kami? at ano ang aming mga ginagawa?

Toto Villaruel
Ako Ricardo Villaruel o mas kilala sa pangalang Toto :). Isa ako sa mga nagbuo ng grupp namin kaya di ko rin naman masasabi na ako ang founder ng grupo namin kasi anim kaming nagisip at nagplano na magbuo ng Team Liwanag. Kung wala sila wala ang Team diba? :D Marami rin ang nagsasabi na ako ang "lider" ng grupo, pero sa aking palagay ay pantay-pantay lang kami sa grupo kaya lhat kami ay lider na rin. Lahat naman kami may ipagmamalaki kaya yun. :) Siguro ang posisyon ko sa aming grupo ay Photographer kasi dun nila ako mas kilala :D. Marunong rin ako sa ibang aspeto katulad ng graphic arts kaya siguro role ko narin yun. Para sa akin, lhat kami ay magagaling kaya lahat sila ay binibigyan ko ng buong respeto. :) ayos!

Tisha Ibasco
Tisha Ibasco, ang aking kalahati? tama ba yun? ahahah :D eto.. Siguro nung wala pa ang Team Liwanag, kaming dalawa pa lang ang parang miyembro ng grupo, pero hindi ang Team Liwanag ah ibang grupo pa yun. Toetish Concepts pa ang tawag sa amin dati kasi yun nga ang pangalan ko ay Toto at siya naman ay Tisha. Mahilig kasi kaming dalawa gumawa ng digital arts pero mas lamang si tish sa akin dun kung kaya medyo nagconcentrate lang ako sa potograpiya :D. Si Tisha ay magaling sa Graphic Designing at magaling rin sa pagdating sa concepts. Ang posisyon ni Tisha sa grupo siguro ay sa Graphic Designing, Logos, Web design at iba pa. Basta graphics kay tisha kami pumupunta kasi dun siya magaling! Siguro kung wala si tish siguro iba ang ginagawa ko kasi siya ang unang nagpakilala sa akin sa photography :D heheheh ^_^ salamat tish!

Mark Lim
Mark Lim. Nakilala ko si Mark Lim sa aming Batch Assembly nung nakaraang taon lamang. Bago pa lang siya sa Photography pero kinuha namin siya dahil nakikita ko ang potential nya maging isang litratista pagtagal. Sobrang kulit nito ni Mark, di ko pa masyadong nakikilala kinakausap na agad ako kasi gusto raw nya magpaturo ng photography. dun pa lang ay nakita ko na pwedeng gumaling itong si Mark kasi gustong-gusto nya matuto. Nung hindi pa nabubuo ang grupo, sinasama ko na si Mark sa mga shoots ko upang maranasan nya at matutunan nya kung ano ang mga dapat tandaan sa mga ganung sitwasyon. natuwa ako kasi mabilis natututo si Mark at nakakatuwa rin na nakikita siyang nagsisipag na matutunan ang mga bagay na bago pa lang sa kanya. Siguro pagtagal si Mark ay isa na sa mga pwedeng mag-sub sa akin kapag wala ako sa mga shoots. :D oo nga pala, magling rin sa marketing [TOP YAN SA AGORA NUH!] kung kaya isa na rin yun sa posisyon ni mark para sa grupo. pangalang palang Marketing na agad e :D heheheh ^_^ eto lang mark, tandaan mo na dapat confident ka sa mga shoots mo :D kaya mo yan! :D

Julie Ko
Julie Ko. Ang babaeng magaling sa pagkuha ng mga litrato. Katulad ni Mark, si Julie ay sinasama ko sa mga shoots ko dati upang maturuan ko sila ng mga nalalaman ko sa photography. Pero bago ko pa nakilala si Julie, marunong na at magaling na rin siya! nagtataka nga ako kung bakit nagpapaturo rin siya sakin dati e :)) Matapang na babae si Julie at palaban! sinama ko si julie nung rally sa Ayala noong Feb 15, 2008 at parang wala lang sa kanya ito [humiwalay pa nga sa akin e]. At isa pa sa mga napansin ko sa mga kuha ni Julie ay mahilig siya kumuha ng mga N**E. :)) Joke lang Julie! naaalala ko parin kasi yng Mani ni Manoy e :)) Siguro alam nio na ang posisyon ni Julie sa Team Liwanag. hehehe :D. Magaling rin si Julie sa Marketing at Accounting kung kaya dun rin siya incharge :D at si Julie ang Make-Up artist ng Team Liwanag :D ang galing nuh? :))

Miles Ng
Miles Ng. ang nagiisang photographer sa Team Liwanag na gumagamit ng P&S. Kahit na P&S ang kanyang gamit, magaganda parin ang kanyang mga litrato. Si Miles ang incharge sa promotions, creatives at Marketing ng grupo namin. Sobrang galing nito mag-isip lalo na sa panahon ng mga shoots! Pwedeng-pwede si Miles maging creative director! Halos all around rin si Miles kasi on training naman siya sa Make-up ngayon para sa sunod siya narin dun sa pagmmake-up ng mga models kung kinakailangan. Di lang yan ang nagagawa ni Miles para sa Team Liwanag! Siguro kung wala si Miles, iba na siguro ang Team Liwanag. Sobrang kulit kasi ni Miles at lagi siya nagpapatawa! All around ka barug! :D

Java Lee
Java Lee, Si miss lomo! Lupit nito mag-lomo! hahahaha :D Si Java at si Steph ang incharge sa film photography namin. Dun kasi sila magaling! Isa si java sa mga pinaka-creative sa grupo kaya pwedeng pwede rin si java sa creatives dept :D Si java rin ang parang music guru namin kasi parang lahat ng mga pinatutugtug nya ay magaganda :D Marunong rin si Java na DSLR pero mas madalas nya nagagamit ang kanyang lomo cams kasi mas magnda raw un :D java! pamatay yng tawa mo! :)) la lng :D

Jowell Mariano
Jowell Mariano. Bago ko lang nakilala si Jowell, siguro wala pa atang 3 months nung unang nakilala ko siya. Natatakot ako nung una kay jowell pero di ko alam kung bakit :)) labo. heheh. Magaling si Jowell sa pagging creative, drawing at sa photography kaya pwede siya dun sa mga yun. bago lang rin siguro si jowell sa photography pero napakabilis nito matuto kasi nakikita naman sa kanyang mga kuha [Daming kuha sa TLS! ayos!]. Magaling rin si Jowell sa pagddrawing kaya pwede rin siya sa draft ng mga graphics sa paper tapos kapag sa computer ay si tish naman. :D Mahilig rin magdoodle si jowell sa mga sapatos [nalagay sa gallery yng isang nadesign mo diba jowell?]. i-check nio nalang site nya para makita nio kung ano yung mga pinagsasabi ko. :D Ayos Jowell! d200 na ba o d80? hehehe :D

Steph King
Steph King, Napaka creative nitong taong ito. C-R-E-A-T-I-V-E! pagdating sa mga ads, layout o ano pang klaseng graphics media yan, isa si steph sa mga nauuna dyan! :D Marunong rin si Steph sa Digital at Film Photography pero ang alam ko ay mas gusto parin nya ang film. :D Ang alam ko isa rin si Steph King sa mga officers ng ADCREATE, [isang org ng mga advertisers] dun palang alam mo na agad kung saan magaling si Steph e :D Halos all around rin ito e! napakagaling at napakasipag! ayos! ahahahah :D

Edwin Chiong II
Edwin Chiong II. Mas kilala si Edwin sa pangalan na Shoti. Shoti ang tawag sa kanya kasi akala raw ng mga magulang nya na siya na yung huling anak sa pamilya nila pero may mga sumunod pa raw kaya yun ang tawag sa kanya. Si shoti ang idol ko sa mga low light conditions kapag kuhaan na ng litrato. Kapag wala na masyadong ilaw, dun mo makikita ang galing ni shoti! idol! :)) Magaling rin si Shoti sa mga landscapes at nature photography! i-check nyo rin yung site nya para malaman nio kung gano kagaling si shoti! :D Kung makikita nyo, sobrang batak ni shoti sa litrato, ang sagot kung bakit siya ganyan ay isan siyang miyembro ng DLSU outdoor club at Dragon Boat ng DLSU. o dba pwedeng pwede rin si shoti na body guard ng group! :)) joke! :D basta kung low light makikita nio ang walking tripod na si shoti! :))

JC Batan
JC Batan, Nakilala ko lang si JC nung sumali ako sa APP this term. Si Jc ang madalas ko nakakasama sa mga Street shoot kasi ang trabaho namin sa APP ay Photojournalist. Madalas may mga nangyayari sa Pilipinas kung kaya't madami rin kaming shoots. Si JC ang pinakabago at siguro ang pinakahuling miyembro ng Team Liwanag. Last week lang ata nasali si JC sa Team e :D si JC ay magaling kumuha ng mga litrato, mapa-street man, wedding, concept o Studio malupit ito! magaling rin magsulat ito! nakakanose-bleed e :)) ang trabaho siguro ni JC sa Team Liwanag ay Photographer at Writer. malupit kasi siya dun e :D Napakabait rin nitong taong it at napakahumble pagdating sa kanyang mga gawain. idol ko rin ito e! hayup! :))

Team Liwanag
Siguro ang grupo ang Maituturing isang Multimedia group dahil hindi lang naman kami kumukuha ng mga litrato, kami rin ay nagoorganize ng events at gumagawa ng mga graphic designs. :D

Team Liwanag Members:
[click para mapunta sa mga site nila]
Toto Villaruel
Tisha Ibasco *temporary site
Mark Lim
Julie Ko
Miles Ng
Java Lee
Jowell Mariano
Steph King
Edwin Chiong
JC Batan
TEAM LIWANAG

*photo credits to Timmy Dadia, Edwin Chiong, Julie Ko at Ako :)

Ako.


Ako.

Dahil ito ang pinakaunang blog ko, ako muna ay magpapakilala sa inyo. Ako si Ricardo Ferrera Villaruel, pwede rin nyo akong tawaging sa pangalang Toto. Ipinanganak ako nung ika-11 ng Agosto taong 1987 sa Maynila kaya ako ay may dalawangpung taong gulang [20 yrs old] na. Ako ay nahilig sa potograpiya nung Pebrero 2007 dahil sa aking mga kaibigan sa eskwelahan. nagumipisa ito sa hiram hiram lamang ng mga digital cameras ng aking mga kasamahan at pagkatapos ay nahilig ako sa isang feature ng cameras nila na macro. tuwang tuwa ako nung may blur sa likod yng litrato [mababaw pero totoo @_@] dahil kakaiba ito sa mga litratong nakikita ko na lhat lang ay malinaw. dun na nagsimula ang luho ko, pagkatapos ng ilang araw ay may dala na rin akong sariling camera at sa eskwelahan ako ay kuha lang ng kuha ng litrato ng iba't-ibang bagay na nakikita ko sa aking paligid. matapos ang ilang buwan ay ako napabili ng Digital SLR [Canon 30D] at dito na nagumpisa ang pagiging seryoso sa pagkukuha ng mga litrato. Nung umpisa ay hirap na hirap ako kumuha ng mga litrato dahil ibang iba ang DSLR sa P&S na camera. Sa sobrang di ko alam ang aking gagawin ay nagbasa ako ng mga artikulo sa internet ng potograpiya. Tuwing pagkatapos ko magbasa, ako ay lumalabas ng bahay upang subukan ang aking mga nabasang leksyon sa internet. hanggang sa araw na ito, wala parin akong napapasukan na seminar, workshop o klase na nagtuturo ng potograpiya dahil walang budget [poor lang hehehe]. nagsikap ako magaral sa internet dahil gusto ko talaga ang aking ginagawa at ako ay masaya dito.
sa mga nakalipas na mga araw, napansin ko na ayos lang rin pala kahit wala akong napapasukan/napupuntahan na klase/workshop, madami-dami na rin taong nakakapansing tao sa aking mga kuha. nakakatuwa at nakaka-inspire na rin! salamat sa inyo at lalo ako nagaganahan kumuha ng litrato :). ngayong medyo tumagal tagal na sa pagkukuha ng mga litrato, ako ay nahilig sa photojournalism. natutuwa ako tuwing nakukuhaan ko ang mga emosyon ng mga tao sa kanilang mga mukha, kilos at sa mga ginagawa nila. napaka-natural tignan nito kaya ako ay nahilig sa photojournalism. hindi ko pa naiituturing na isang photojournalist dahil marami-rami pa akong dapat matutunan dito. Siguro hanggang dito nalang muna ako, sa susunod na ulit ang mga istorya sa akin. hehehe :D

*paumanhin at tagalog :D feel ko lang magtagalog ngayon :)) next time english na :))