
Ako.
Dahil ito ang pinakaunang blog ko, ako muna ay magpapakilala sa inyo. Ako si Ricardo Ferrera Villaruel, pwede rin nyo akong tawaging sa pangalang Toto. Ipinanganak ako nung ika-11 ng Agosto taong 1987 sa Maynila kaya ako ay may dalawangpung taong gulang [20 yrs old] na. Ako ay nahilig sa potograpiya nung Pebrero 2007 dahil sa aking mga kaibigan sa eskwelahan. nagumipisa ito sa hiram hiram lamang ng mga digital cameras ng aking mga kasamahan at pagkatapos ay nahilig ako sa isang feature ng cameras nila na macro. tuwang tuwa ako nung may blur sa likod yng litrato [mababaw pero totoo @_@] dahil kakaiba ito sa mga litratong nakikita ko na lhat lang ay malinaw. dun na nagsimula ang luho ko, pagkatapos ng ilang araw ay may dala na rin akong sariling camera at sa eskwelahan ako ay kuha lang ng kuha ng litrato ng iba't-ibang bagay na nakikita ko sa aking paligid. matapos ang ilang buwan ay ako napabili ng Digital SLR [Canon 30D] at dito na nagumpisa ang pagiging seryoso sa pagkukuha ng mga litrato. Nung umpisa ay hirap na hirap ako kumuha ng mga litrato dahil ibang iba ang DSLR sa P&S na camera. Sa sobrang di ko alam ang aking gagawin ay nagbasa ako ng mga artikulo sa internet ng potograpiya. Tuwing pagkatapos ko magbasa, ako ay lumalabas ng bahay upang subukan ang aking mga nabasang leksyon sa internet. hanggang sa araw na ito, wala parin akong napapasukan na seminar, workshop o klase na nagtuturo ng potograpiya dahil walang budget [poor lang hehehe]. nagsikap ako magaral sa internet dahil gusto ko talaga ang aking ginagawa at ako ay masaya dito.
sa mga nakalipas na mga araw, napansin ko na ayos lang rin pala kahit wala akong napapasukan/napupuntahan na klase/workshop, madami-dami na rin taong nakakapansing tao sa aking mga kuha. nakakatuwa at nakaka-inspire na rin! salamat sa inyo at lalo ako nagaganahan kumuha ng litrato :). ngayong medyo tumagal tagal na sa pagkukuha ng mga litrato, ako ay nahilig sa photojournalism. natutuwa ako tuwing nakukuhaan ko ang mga emosyon ng mga tao sa kanilang mga mukha, kilos at sa mga ginagawa nila. napaka-natural tignan nito kaya ako ay nahilig sa photojournalism. hindi ko pa naiituturing na isang photojournalist dahil marami-rami pa akong dapat matutunan dito. Siguro hanggang dito nalang muna ako, sa susunod na ulit ang mga istorya sa akin. hehehe :D
*paumanhin at tagalog :D feel ko lang magtagalog ngayon :)) next time english na :))

3 comments:
ayos sa blog..
pinoy na pinoy..
master toto!
:)) salamat :
feel ko lang kasi magsulat ng filipino :))
=) h! mUxtaH iM tHea...nA iNspirE aCuh sA mGa nklgay sA blog mUh gAliNg moh pArehO tAU nG hiLig sA 22o lng tAgAl nA cuh naghahanap ng pwd cUng pAxukan abOut photograpy pEro d cUh LaM cUn sAaN..pWd mOh bA cUH 2lungan???pLzzzzzzz f evEr mAN pLz txt me nLng plzz lng..poh # 09077731876 and my e-add hard2_loveus@y.c tNx hiNtayiN cUh poH rEspOnce mUH tNx T_T sAnA mA2luNgan mo cuh
Post a Comment