Team Liwanag
Team Liwanag. Sa unang pagkakarinig sa amin ay mapapatanong agad sa isip ng mga tao kng ano ba ito? sino ba sila? ano ang ginagawa nila? Siguro sa pagkakagawa ng blog na ito ay malilinawan ko sana ng kaunti ang inyong mga katanungan ukol sa aming grupo :D
Kelan kami nagsimula?
Kung maaalala ko pa, noong Ika-22 ng Pebrero taong 2008 [Feb 22, 2008] nabuo ang aming grupo. Sa Lucban, Quezon ko naisipan na gumawa ng isang grupo ng mga Litratista [Photographers] na kung saan ay iba-iba ang mga galing sa larangan ng potograpiya. Siguro ang mga tulad nito ay ang Studio, Portraits, Street, Concept at iba pang aspeto. Anim pa lamang kami nung unang nagsimula kami pero nang tumagal ay nagdagdag kami hanggang naging sampu na kami.
Sino sino ba kami? at ano ang aming mga ginagawa?
Toto VillaruelAko Ricardo Villaruel o mas kilala sa pangalang Toto :). Isa ako sa mga nagbuo ng grupp namin kaya di ko rin naman masasabi na ako ang founder ng grupo namin kasi anim kaming nagisip at nagplano na magbuo ng Team Liwanag. Kung wala sila wala ang Team diba? :D Marami rin ang nagsasabi na ako ang "lider" ng grupo, pero sa aking palagay ay pantay-pantay lang kami sa grupo kaya lhat kami ay lider na rin. Lahat naman kami may ipagmamalaki kaya yun. :) Siguro ang posisyon ko sa aming grupo ay Photographer kasi dun nila ako mas kilala :D. Marunong rin ako sa ibang aspeto katulad ng graphic arts kaya siguro role ko narin yun. Para sa akin, lhat kami ay magagaling kaya lahat sila ay binibigyan ko ng buong respeto. :) ayos!
Tisha IbascoTisha Ibasco, ang aking kalahati? tama ba yun? ahahah :D eto.. Siguro nung wala pa ang Team Liwanag, kaming dalawa pa lang ang parang miyembro ng grupo, pero hindi ang Team Liwanag ah ibang grupo pa yun. Toetish Concepts pa ang tawag sa amin dati kasi yun nga ang pangalan ko ay Toto at siya naman ay Tisha. Mahilig kasi kaming dalawa gumawa ng digital arts pero mas lamang si tish sa akin dun kung kaya medyo nagconcentrate lang ako sa potograpiya :D. Si Tisha ay magaling sa Graphic Designing at magaling rin sa pagdating sa concepts. Ang posisyon ni Tisha sa grupo siguro ay sa Graphic Designing, Logos, Web design at iba pa. Basta graphics kay tisha kami pumupunta kasi dun siya magaling! Siguro kung wala si tish siguro iba ang ginagawa ko kasi siya ang unang nagpakilala sa akin sa photography :D heheheh ^_^ salamat tish!
Mark LimMark Lim. Nakilala ko si Mark Lim sa aming Batch Assembly nung nakaraang taon lamang. Bago pa lang siya sa Photography pero kinuha namin siya dahil nakikita ko ang potential nya maging isang litratista pagtagal. Sobrang kulit nito ni Mark, di ko pa masyadong nakikilala kinakausap na agad ako kasi gusto raw nya magpaturo ng photography. dun pa lang ay nakita ko na pwedeng gumaling itong si Mark kasi gustong-gusto nya matuto. Nung hindi pa nabubuo ang grupo, sinasama ko na si Mark sa mga shoots ko upang maranasan nya at matutunan nya kung ano ang mga dapat tandaan sa mga ganung sitwasyon. natuwa ako kasi mabilis natututo si Mark at nakakatuwa rin na nakikita siyang nagsisipag na matutunan ang mga bagay na bago pa lang sa kanya. Siguro pagtagal si Mark ay isa na sa mga pwedeng mag-sub sa akin kapag wala ako sa mga shoots. :D oo nga pala, magling rin sa marketing [TOP YAN SA AGORA NUH!] kung kaya isa na rin yun sa posisyon ni mark para sa grupo. pangalang palang Marketing na agad e :D heheheh ^_^ eto lang mark, tandaan mo na dapat confident ka sa mga shoots mo :D kaya mo yan! :D
Julie KoJulie Ko. Ang babaeng magaling sa pagkuha ng mga litrato. Katulad ni Mark, si Julie ay sinasama ko sa mga shoots ko dati upang maturuan ko sila ng mga nalalaman ko sa photography. Pero bago ko pa nakilala si Julie, marunong na at magaling na rin siya! nagtataka nga ako kung bakit nagpapaturo rin siya sakin dati e :)) Matapang na babae si Julie at palaban! sinama ko si julie nung rally sa Ayala noong Feb 15, 2008 at parang wala lang sa kanya ito [humiwalay pa nga sa akin e]. At isa pa sa mga napansin ko sa mga kuha ni Julie ay mahilig siya kumuha ng mga N**E. :)) Joke lang Julie! naaalala ko parin kasi yng Mani ni Manoy e :)) Siguro alam nio na ang posisyon ni Julie sa Team Liwanag. hehehe :D. Magaling rin si Julie sa Marketing at Accounting kung kaya dun rin siya incharge :D at si Julie ang Make-Up artist ng Team Liwanag :D ang galing nuh? :))
Miles NgMiles Ng. ang nagiisang photographer sa Team Liwanag na gumagamit ng P&S. Kahit na P&S ang kanyang gamit, magaganda parin ang kanyang mga litrato. Si Miles ang incharge sa promotions, creatives at Marketing ng grupo namin. Sobrang galing nito mag-isip lalo na sa panahon ng mga shoots! Pwedeng-pwede si Miles maging creative director! Halos all around rin si Miles kasi on training naman siya sa Make-up ngayon para sa sunod siya narin dun sa pagmmake-up ng mga models kung kinakailangan. Di lang yan ang nagagawa ni Miles para sa Team Liwanag! Siguro kung wala si Miles, iba na siguro ang Team Liwanag. Sobrang kulit kasi ni Miles at lagi siya nagpapatawa! All around ka barug! :D
Java LeeJava Lee, Si miss lomo! Lupit nito mag-lomo! hahahaha :D Si Java at si Steph ang incharge sa film photography namin. Dun kasi sila magaling! Isa si java sa mga pinaka-creative sa grupo kaya pwedeng pwede rin si java sa creatives dept :D Si java rin ang parang music guru namin kasi parang lahat ng mga pinatutugtug nya ay magaganda :D Marunong rin si Java na DSLR pero mas madalas nya nagagamit ang kanyang lomo cams kasi mas magnda raw un :D java! pamatay yng tawa mo! :)) la lng :D
Jowell MarianoJowell Mariano. Bago ko lang nakilala si Jowell, siguro wala pa atang 3 months nung unang nakilala ko siya. Natatakot ako nung una kay jowell pero di ko alam kung bakit :)) labo. heheh. Magaling si Jowell sa pagging creative, drawing at sa photography kaya pwede siya dun sa mga yun. bago lang rin siguro si jowell sa photography pero napakabilis nito matuto kasi nakikita naman sa kanyang mga kuha [Daming kuha sa TLS! ayos!]. Magaling rin si Jowell sa pagddrawing kaya pwede rin siya sa draft ng mga graphics sa paper tapos kapag sa computer ay si tish naman. :D Mahilig rin magdoodle si jowell sa mga sapatos [nalagay sa gallery yng isang nadesign mo diba jowell?]. i-check nio nalang site nya para makita nio kung ano yung mga pinagsasabi ko. :D Ayos Jowell! d200 na ba o d80? hehehe :D
Steph KingSteph King, Napaka creative nitong taong ito. C-R-E-A-T-I-V-E! pagdating sa mga ads, layout o ano pang klaseng graphics media yan, isa si steph sa mga nauuna dyan! :D Marunong rin si Steph sa Digital at Film Photography pero ang alam ko ay mas gusto parin nya ang film. :D Ang alam ko isa rin si Steph King sa mga officers ng ADCREATE, [isang org ng mga advertisers] dun palang alam mo na agad kung saan magaling si Steph e :D Halos all around rin ito e! napakagaling at napakasipag! ayos! ahahahah :D
Edwin Chiong IIEdwin Chiong II. Mas kilala si Edwin sa pangalan na Shoti. Shoti ang tawag sa kanya kasi akala raw ng mga magulang nya na siya na yung huling anak sa pamilya nila pero may mga sumunod pa raw kaya yun ang tawag sa kanya. Si shoti ang idol ko sa mga low light conditions kapag kuhaan na ng litrato. Kapag wala na masyadong ilaw, dun mo makikita ang galing ni shoti! idol! :)) Magaling rin si Shoti sa mga landscapes at nature photography! i-check nyo rin yung site nya para malaman nio kung gano kagaling si shoti! :D Kung makikita nyo, sobrang batak ni shoti sa litrato, ang sagot kung bakit siya ganyan ay isan siyang miyembro ng DLSU outdoor club at Dragon Boat ng DLSU. o dba pwedeng pwede rin si shoti na body guard ng group! :)) joke! :D basta kung low light makikita nio ang walking tripod na si shoti! :))
JC BatanJC Batan, Nakilala ko lang si JC nung sumali ako sa APP this term. Si Jc ang madalas ko nakakasama sa mga Street shoot kasi ang trabaho namin sa APP ay Photojournalist. Madalas may mga nangyayari sa Pilipinas kung kaya't madami rin kaming shoots. Si JC ang pinakabago at siguro ang pinakahuling miyembro ng Team Liwanag. Last week lang ata nasali si JC sa Team e :D si JC ay magaling kumuha ng mga litrato, mapa-street man, wedding, concept o Studio malupit ito! magaling rin magsulat ito! nakakanose-bleed e :)) ang trabaho siguro ni JC sa Team Liwanag ay Photographer at Writer. malupit kasi siya dun e :D Napakabait rin nitong taong it at napakahumble pagdating sa kanyang mga gawain. idol ko rin ito e! hayup! :))
Team Liwanag
Siguro ang grupo ang Maituturing isang Multimedia group dahil hindi lang naman kami kumukuha ng mga litrato, kami rin ay nagoorganize ng events at gumagawa ng mga graphic designs. :D
Team Liwanag Members:
[click para mapunta sa mga site nila]
Toto Villaruel
Tisha Ibasco *temporary site
Mark Lim
Julie Ko
Miles Ng
Java Lee
Jowell Mariano
Steph King
Edwin Chiong
JC Batan
TEAM LIWANAG
*photo credits to Timmy Dadia, Edwin Chiong, Julie Ko at Ako :)



2 comments:
Ganda ng blog toe... :D I'll keep that in mind and i'll exert more effort on understanding the art of photography. thank you sa team liwanag! I hope all of us will grow in this field and make Photography a part of our lives. :D
i shall post this in my blog! hahaha! in blogspot and multiply! =D
Post a Comment